Nais ng unang munisipalidad ng Iloilo na makapaglaan sa mga magsasaka nito ng pangmatagalang pagkakakitaan sa tulong ng “Champion Farmers Program” (CFP).

Ipinaliwanag ni Lambunao Mayor Jason Gonzales nitong Biyernes na ang pagsasaka ay parang Matematika, kung saan kailangan muna nilang matutunan ang basics nito. Sa pagsasaka, tuturuan sila ng mga basic skill na kailangan nilang maintindihan sa CFP, na long-term formation at skills training o mentoring para sa mga magsasaka.

Dagdag pa niya, na ang mga training program na inaalok ng mga pambansang ahensiya ay karaniwang maiiksi lamang, may tamang detalye ngunit hindi komprehensibo. Hindi rin nito natutulungan ang mga magsasaka para makahanap ng access sa mga pamilihan.

Sa ilalim ng CYP, may anim na buwan ang mga magsasaka para i-mentor; tatlong buwan ang ilalaan para sa mentoring at skills training habang ang natitirang buwan ay ilalaan para sa pagtatanim at validation.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Makakatanggap ang mga makakapasa sa validation ng iba’t ibang serbisyong pang-agrikultura na ibibigay ng iba’t ibang ahensiya sa munusipalidad.

Binigyang-diin niya na maaari silang sumali sa programa ngunit titiyakin ng LGU kung magagamit nila ang mga skill na matutunan nila.

“The idea behind this is that every champion farmer can employ other farmers. Every champion farmer has a productive farm that can feed and provide income to other farmers,” aniya

Dagdag pa ni Gonzales na nais ng kanilang banner program na gawin ang Lambunao bilang “biggest vegetable producer in the province of Iloilo” sa mga susunod na taon.

“Our goal is to make Lambunao the vegetable basket of our province. We can only do that by training our farmers properly,” ani Gonzales.

Para naman sa paghahanap ng mga mamimili, ibinahagi niya na makikipagtulungan sila sa mga restaurant at hotel sa Iloilo City para maiwasan ang middle men. Ita-target din nila ang Boracay Island. Ang kikitain nila ay ibabahagi sa mga magsasaka. (PNA)