HINDI hinangad kundi kusang dumating.

Sa ganitong pahayag inilarawan ni bagong National University coach Jamike Jarin ang pagkakapili sa kanya na pangasiwaan ang Bulldogs bilang kapalit ng nagbitiw na si Eric Altamirano sa UAAP basketball.

“It was an opportunity that presented itself. I like challenges,”pahayag ni Jarin, tumalon sa UAAP mula sa bakuran ng NCAA nang pamumuan ang San Beda Red Lions.

“It’s a dream also to become a coach in the UAAP. Iyun ang one of the biggest reasons sa naging desisyon ko.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Basically, it’s just a new challenge.”

“I did not look for it. It just happened. It’s another challenge for me. I’d like to see myself in a new situation, in a new environment,” aniya.

Sinabi ni Jarin na hindi niya mapapalagpas ang pagkakataon na dumating sa kanyang career.

Sa paglipat sa UAAP, kinakailangan nyang magbitiw hindi lamang sa San Beda kundi maging sa kanyang responsibilidad sa MVP Sports.

Makakasama ni Jarin sa coaching staff sina Dennis Llames, Ricky Reyes, John Ferriols, Danny Ildefonso, at Cedric Labing-isa.

Sa ngayon, nasa proseso ang koponan sa evaluation para matukoy ang kakulangan at lakas ng Bulldogs. (Marivic Awitan)