HONG KONG (Reuters) – Isang 62-anyos na lalaki ang namatay sa Hong Kong dahil sa bird flu kahapon, ang ikalawang namatay sa sakit ngayong winter, ayon sa Hospital Authority.

Ang lalaki na bumiyahe sa lungsod ng Guangzhou sa timog China noong kalagitnaan ng Disyembre at naospital sa katabing lungsod ng Dongguan nitong unang bahagi ng linggo, ay namatay sa H7N9.

Tatlong kaso ng H7N9 sa tao ang kinumpirma ng Hong Kong sa nakalipas na tatlong linggo habang tumitindi ang pangamba sa pagkalat ng sakit sa South Korea, Japan at mainland China.

Internasyonal

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man