SYDNEY (AFP) – Itinanggi ng Australia kahapon ang mga akusasyon na kinakalap nito ang pinakamagagaling na sundalo ng Indonesia sa tuwing magkaroon ng training program sa Canberra.

Pinasinungalingan ni Australian Defence Minister Marise Payne ang ideyang inaakit ng Australia ang mga sundalong Indonesian upang maging agent. ‘’No, that is not the case and it is something which we would not countenance of course,’’ aniya.

Sinisikap ng Australia na mapabuti ang relasyon sa Indonesia matapos putulin ng Jakarta ang kanilang mga ugnayang militar.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo