ISTANBUL (Reuters) — Lumalabas na bihasa sa guerrilla warfare at posibleng nagsanay sa Syria ang lalaki na pumatay ng 39 katao sa isang nightclub sa Istanbul sa New Year’s Day sa pag-atakeng inako ng Islamic State, sinabi ng security source noong Martes.

Binaril at napatay ng nakatakas na suspek ang isang pulis at isang sibilyan sa labas ng exclusive Reina nightclub noong Linggo, bago pinaulanan ng automatic rifle ang mga nagsasaya sa loob.

Sinabi ng IS na ang pag-atake ay ganti sa pakikialam ng Turkish military sa Syria.

“The assailant has experience in combat for sure ... he could have been fighting in Syria for years,” sabi ng isang security source sa Reuters.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Iniulat ng ilang Turkish media na ang pinaghahanap na suspek ay isang 28-anyos na Kyrgyz national.

Isang selfie video ng diumano’y suspek na naglalakad sa Taksim Square ng Istanbul ang inilabas ng Turkish news channels noong Martes habang patuloy ang paghananap sa kanya ng mga pulis.