TRULILI ba na tinanggal na raw sa ilang sinehan ang Oro, Kabisera at Sunday Beauty Queen?

Hindi pa namin napanood ang mga ito kaya inaalam namin kung palabas pa. Nag-check agad kami kahapon sa mga sinehan at in fairness, kumpleto pa rin sa lahat ng SM Malls at Gateway Mall, pero sa Eastwood Mall at Citywalk ay wala na nga ang Kabisera, sa Trinoma ay wala na ang Oro. Wala na rin ang pelikula ni Ms. Nora Aunor at ni Ms. Irma Adlawan sa Robinson’s Magnolia.

Sinuwerte ang Sunday Beauty Queen dahil simula nang manalo bilang Best Story at Best Picture ay biglang umakyat sa top 4 ng Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2016.

Kahit walang award na nakuha ang Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough ay malakas pa rin ito sa takilya, kaya kampante na ang producers nito na nagbabakasyon na nga sa ibang bansa.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Trulili rin ba na nasa number one na ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros na sa sobrang tuwa ay ipinost ang ipinagagawa niyang napakalaking bahay na galing lahat sa kinita niya sa loob ng 16 years sa showbiz.

Marami ang bumabati kay Paolo sa ipinost niya dahil alam ng lahat na dugo’t pawis ang puhunan niya rito.

O nag-post kaya si Paolo para ipaalam sa mga producer na kailangan niya ng maraming projects dahil may pagkakagastusan siya?

Samantala, planong isali sa Oscars sa susunod na taon ang Die Beautiful na idinirihe ni Jun Lana mula sa Idea First Company at Regal Entertainment. (Reggee Bonoan)