Binaril at pinatay ng dalawang armadong sakay sa motorsiklo ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Tatlong tama ng bala sa ulo at dibdib ang ikinamatay ng biktimang tinatayang nasa edad 30 hanggang 40, may taas na 5’4”, nakasuot ng berdeng sando at brown na cargo pants.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, dakong 10:00 ng gabi, nangyari ang pamamaril sa madilim na bahagi ng Roxas Boulevard, Barangay 76 ng nasabing lungsod.

Unang nakarinig ng mga putok ng baril ang mga residente hanggang sa matagpuan ang duguan at wala nang buhay na biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bagamat hindi nila nakita ang mga suspek, narinig umano ng mga residente sa lugar ang tunog ng motorsiklo na humarurot matapos ang pamamaril.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang anim na basyo ng kalibre .45 baril sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)