ISA sa hindi malilimutang pangyayari noong 2016 at nangyayari pa rin ngayong Bagong Taon ay ang inilunsad na kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Naipangako niya ito noong panahon ng kampanya. At mula nang umpisahan ang giyera sa illegal drugs noong Hulyo 1, 2016 hanggang sa unang tatlong araw ng Enero 2017, umabot na umano sa mahigit 6,000 ang napatay na pawang hinihinalang drug user at pusher sa mga police operation ng Philippine National Police (PNP). Kasama sa bilang ang napatay ng mga vigilante na hinala ng ating mga kababayan ay mga pulis din. Ang mga user ay mga asset ng mga pulis. Kaya sila itinumba ay baka ikanta o ibunyag na sangkot sa illegal drugs ang ilan sa mga bugok at tarantdong pulis.

Ayon naman sa inilunsad na “Oplan Double Barral” ng PNP, umabot sa 2,169 ang napatay sa nakalipas na anim na buwan.

At ayon pa rin sa PNP, batay sa report ng mga regional office ng PNP, umabot na sa 43,196 ang naaresto sa 40,420 anti-drug operation. At 21 pulis at 3 sundalo ang napatay habang 61 pulis at 8 sundalo ang nasugatan. At bago natapos ang 2016, ipinahayag pa ni PNP Director General Ronald de la Rosa na umabot na sa 70 porsiyento ng kanilang target ang mission accomplished. At ngayong 2017, magpapatuloy pa rin ang anti-drug operation matapos bigyan ng karagdagang anim na buwan ang PNP.

Sa giyera kontra droga, hindi naiwasan na ituring ng iba nating kababayan at maging ng ibang kilalang personalidad sa ibang bansa at ng mga may pagpapahalaga sa buhay ng tao at due process. Ang naging reaksiyon naman dito ni Pangulong Duerte ay pagkainis, galit at minura niya ang mga pumupuna sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga. At kapag nagmura na ang pangulo, look na lang sa sky ang iba nating kababayan. Ang mga relihiyoso, relihiyosa at madasalin ay napapasambit na lamang ng Hesus Marya Husep. Kasunod ang sign of the cross. Juice ko po, ang bibig ng Pangulo kapag nagmumura, mabaho pa sa puwit ni Lucifer!

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang mga ina, ama, anak, pamilya at kamag-anak naman ng mga napatay sa kampanya kontra droga ay walang magawa kundi ang patuloy na manangis, sumigaw at humihingi ng katarungan. Humingi naman ng patawad si Pangulong Duterte bago namaalam ang 2016 at sa mga pamilya... ng mga biktima ng collateral damage o mga walang kinalaman sa droga. Ngunit sa kanyang paghingi ng paumanhin, naninindigan pa rin ang pangulo na hindi siya titigil sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga.

Samantala, ayon kay Bishop Broderick Pabillo, hindi sapat ang paghingi ng tawad kung walang pagsisisi sa panig ng mga humihingi ng paumanhin. Ang paghingi ng paumanhin na walang pagbabago ay isang pagkukunwari. (Clemen Bautista)