GUATEMALA CITY (AP) – Nasabat ng mga awtoridad ng Guatemala ang mahigit 680 kilo ng cocaine mula sa isang bangka sa baybayin ng bansa sa Central America.

Sinabi ni police spokesman Jorge Aguilar noong Linggo na nasabat ng Pacific forces ng Guatemalan navy ang barkong sakay ang 35 package ng droga nitong bisperas na Bagong Taon.

Dalawang lalaking Ecuadorean at isang Colombian ang idinetine. Pinaniniwalang sa Ecuador nanggaling ang droga.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa