TOTOO kaya ang ibinalita sa amin ng isang katoto na umanib na raw sa Ang Dating Daan si Nora Aunor?
Ayon sa kausap namin, ilang beses na raw dumadalo si Ate Guy sa mga gawain at pagpupulong ng religious group na pinamumunuan ni Bro. Eli Soriano.
Dahil kilalang personalidad, hindi siyempre dapat ipagwalang-bahala ng samahan si Ate Guy. Kaya mga pinuno raw mismo nila ang umaalalay sa tuwing dumarating ang Superstar.
“Mukhang biglaan lang naman yata ang pagsuporta ni Ate Guy sa samahang Ang Dating Daan,” sey ng source namin. “Nag-umpisa siya rito may ilang araw pa lang naman ang nakakaraan.”
Iniintriga na kaagad ang sinasabing pag-anib ni Nora sa Ang Dating Daan. Kaya raw ito ginawa ng Superstar para makukuha ang endorsement ni Bro. Eli para sa pelikula niyang Kabisera na kasalukuyang ipinapalabas bilang isa sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival.
“Umaasang makukuha niya ang milyun-milyong mga kaanib ng Ang Dating Daan, pero hindi nangyari. Patuloy pa ring nasa kulelat ang pelikula niya,” sey pa ng source namin.
Kami pa ang nakiusap sa aming katoto na tigilan na muna ang pang-iintriga sa pagpapalit ng relihiyon ni Nora Aunor.
“Hindi mo kasi nakikita kay Nora ang sinseridad at malamang nararamdaman ‘yun mismo ng mga pinuno kung kaya hindi na niya ‘pinakiusap sa mga tagasunod ang pelikula ni Nora,” dugtong pa ng kausap namin.
Aniya pa, ngayon na hindi nakuha ni Nora ang suporta ng mga taga-Ang Dating Daan, malamang daw na hindi na ito dumalo sa mga pagpupulong ng nasabing grupo, huh!
(Editor’s note: Tinanong namin si Adjes Carreon, media colleague na malapit sa mga pinuno ng Ang Dating Daan, kung sumapi sa kanila si Nora Aunor. Ito ang kanyang sagot: “Hindi pa po, eh. Nakikinig lang po sa Ang Dating Daan program.”) (Jimi Escala)