rocco-betong-alden-andrea-ruru-gabbi-copy

SA kabila ng pagbuhos ng ulan sa isinagawang GMA New Year countdown sa Seaside ng Mall of Asia, matagumpay ang presentation ng Kapuso stars at hindi sila iniwanan ng mga tao na nagpakabasa na rin. Blessing, wika nga, ang buhos ng ulan mula sa langit.

Eksaktong 10:00 PM nang pumasok si Alden Richards sa MOA ground, sakay ng isang crane na may taas na three storey at nag-welcome sa audience sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Halatang paos ang boses ni Alden, na tinulungang mag-host nina Andrea Torres, Betong Sumaya, Aicelle Santos, Rocco Nacino, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Ken Chan, Jerald Napoles at marami pang Kapuso stars na dumalo sa countdown.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May participation ang bawat programa ng GMA Network, marami ring video greetings na kinabibilangan nina Ms. Gloria Romero, Regine Velasquez-Alcasid kasama ang anak na si Nate (nasa Australia sila), Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang unica hija na si Baby Letizia (na nasa Bali, Indonesia naman). Bumati rin ang cast ng Pepito Manaloto at Bubble Gang.

May song and dance numbers si Julie Anne San Jose, may dance numbers din sina Rocco at Sanya Lopez, Gabbi at Ruru ng Encantadia, at ipinakilala ang mga bagong teleserye na ipapalabas sa primetime block ng Siyete.

Eksatong 12:00 midnight, kasabay ng magagandang fireworks, bumuhos na ang ulan, pero itinuloy pa rin ang programa na this year ay sponsored ng San Miguel Brewery.

Marami pang production numbers na napanood, inawit ni Alden ang kanyang paboritong cut sa bago niyang album, ang Rescue Me, at touching na bago sila tuluyang nagpaalam ay hindi nila nakalimutang magbigay-pugay sa yumaong si German Moreno na taun-taon ay siyang namamahala sa GMA countdown.

Samantala, happy birthday today kay Alden Richards. Isang Holy Mass ang birthday gift ng kanyang fans sa St. John The Baptist Church sa San Juan City. Magiging special sa fans ang birthday ni Alden dahil nakabalik na ang ka-love team na si Maine Mendoza mula sa holiday vacation ng pamilya nito sa Japan, at ito ang special guest ni Alden sa special birthday presentation ng Eat Bulaga na first live presentation ng noontime show for 2017. (NORA CALDERON)