Tataas ang demand para sa mga trabaho sa kontruksiyon sa susunod na limang taon dahil sa construction boom, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Tinataya ng Bureau of Local Employment (BLE) ng DoLE na mangangailagan ang construction industry ng karagdagang 120,000 manggagawa simula ngayong taon hanggang sa 2022 upang matugunan ang kakulangan sa manggagawa.

“The construction industry is currently in need of 200,000 workers, but there is currently only 80,000 supply in the labor market,” pahayag ni BLE director Dominique Tutay.

Sinabi niya na kabilang ang mga laborer, electrician, heavy equipment driver at safety engineer sa pinakahinahanap na skills ng mga kumpanya ng konstruksiyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Idinagdag ni Tutay na pinayuhan na nila ang mga education at training institutions na taasan ang kanilang mga estudyante at trainee sa mga larangan na may kaugnayan sa konstruksiyon upang matugunan ang kakulangan ng mga manggagawa.

“We are encouraging them to just continue training those who are looking for jobs… They (workers in construction-related field) should have a certain set of skills, which the industry is looking for.” (Samuel Medenilla)