BUTUAN CITY – Umaabot sa P532,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Surigao City Police sa isang drug surrenderer sa lungsod, nitong Huwebes.

Ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix, dinakip si Richelo P. Comendaor, sa pag-iingat umano ng nasa 45.1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P532,000.

Nasamsam din kay Comendaor ang P1,000 marked money sa raid sa kanyang bahay sa Purok Rosas, Roxas Extension, Barangay Washington, Surigao City. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog