LUMIPAD na patungong Spain ang buong pamilya ng lady producer na si Atty. Joji Alonso noong Disyembre 28 para sa kanilang bonding time pagkatapos ng buong taon puro trabaho sa Quantum Films.

Matagal na raw itong nakaplano, ayon kay Atty. Joji.

“I will really bond with them, especially may apo na sobrang mahal na mahal ko,” kuwento ni Atty. Jojo.

Nag-iisa pa lang ang kanyang apo, si Gelo, na anak ni Nico Antonio na executive ng Quantum Films pero sumisikat na rin bilang artista.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon kay Atty. Joji, hindi siya spoiler na lola.

“Sa akin kung ano ‘yung nakikita kong dapat disiplinahin, I call the attention at ang lambing, sasabihin niya, ‘Wowa (Lola) I miss you, Wowa I love you.”

Bakit wowa, bulol pa?

“Hindi, nag-create ako ng gusto kong itawag sa akin, ayokong patawag ng lola, eh, ha-ha-ha,” sagot sa amin.

Apat na taon na si Gelo na gusto niyang ma-enjoy nang husto sa kanilang bakasyon sa Spain.

“’Yun lang naman ang luxury ko sa buhay, Reggs, biyahe-biyahe. Hindi ako mahilig sa alahas, hindi ako mahilig sa mamahaling bags, wala akong ganu’n. It’s travel, I like to share it to the people, like si Uge (Eugene Domingo), kami, nagta-travel kami. We got to travel a lot. But not this time, hindi kami magkasama. Sa Spain kami.

“Why Spain? Kasi I have a friend who lives there na matagal na siyang nagyaya, although we’re not going to live with them, may sarili na kaming nakuhang lugar.

“Gusto ko lang silang makita ulit, kasi these families were so good to my children. My daughter kasi studied in Spain, so sila ‘yung foster family ng anak ko,” nakangiting kuwento sa amin.

Kampante si Atty. Joji sa kinikita ng pelikula nilang Ang Babae sa Septik Tank 2: Forever is Not Enough na nasa top four ngayong 2016 Metro Manila Film Festival.

Samantala, tinanong din namin si Atty. Joji kung wala ba siyang planong maging miyembro ng MTRCB.

“Ayoko, ayoko mag-government. It’s thankless job. Both my parents matagal sa government, 38 years. Mother ko, 32 years. It’s a thankless job, saka ano ‘yan, parang nasa aquarium ka, mag-isa ka lang, parang lahat ng nagagawa mo hindi naman napapansin. ‘Pag nagkamali ka, ‘kita na agad, ikaw na ‘yung pinakamasamang tao. Ayoko ng gobyerno, okay na ako sa pribadong buhay, wala pang stress at walang pressure,” sagot ng lady producer. (Reggee Bonoan)