CURRIMAO, Ilocos – Nabalot ng pighati ang Pasko ng isang pamilya makaraang magpatiwakal ang isa nilang miyembro matapos nilang awatin sa pag-aamok nito sa Barangay Salindeg-Paguludan sa bayang ito.

Sa ulat kahapon ng Ilocos Norte Police Provincial Office, nadiskubre ang bangkay ni Roderick Ramos, 29, construction worker sa pagkakabigti sa pine tree nitong Sabado, bisperas ng Pasko.

Ayon sa report ng pulisya, labis na sumama ang loob ni Ramos sa ama nang umawat ito kanyang pagwawala.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!