Tatlong pasahero ang nasawi habang mahigit 20 iba pa ang nasugatan sa pagbaligtad ng isang unit ng Husky Bus sa Purok 8, Crossing Sulit, Polomolok, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Senior Insp. Hernani Gabat, hepe ng Polomolok Municipal Police, na malakas ang ulan at mabilis ang takbo ng bus (MVV-171), na may biyaheng Cotabato City, nang dumaan sa Koronadal patungong General Santos City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan de Viejo, ng Purok Mahusa, Polomolok; Sammy Magsipoc, ng Polomolok; at Margieli Esteves, ng Cotabato City.

Nabatid sa imbestigasyon na minamaneho ni Rhoderic Danao ang bus nang mag-overtake ito sa isang motorsiklo pero nawalan siya ng kontrol sa sasakyan hanggang sa bumaligtad ito.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa lakas ng impact ng aksidente, natanggal ang bubong ng bus at nagulungan pa ang dalawang motorsiklo. (Fer Taboy)