KUALA LUMPUR, Malaysia (AFP) — Isang interstate bus sa Malaysia na may mga pasaherong sakay mula Singapore at Myanmar ang nawalan ng preno dahilan upang mamatay ang 14 na katao habang 16 naman ang sugatan, ayon sa opisyal.

Ang bus, na galing mula Johor at patungong Kuala Lumpur, ay nawalan ng preno bago tuluyang gumulong at mahulog sa bangin, ayon kay Mohammad Yusof Mohammad Gunnos, deputy director ng fire and rescue department.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga namatay, aniya, idinagdag na ginagamot na ang mga sugatan sa Muar district public hospital.

“This pre-Christmas tragedy is so far the most horrific accident in Johor state for 2016,” pahayag niya sa AFP.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa