TALAVERA, Nueva Ecija - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang 29-anyos na binata matapos siyang katukin sa bahay at pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Zone 2, Barangay Pag-asa sa bayang ito, Miyerkules ng madaaling-araw.

Kinilala ni Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, ang biktimang si Rudy Guillermo y Pelagio, tricycle driver, ng Bgy. Sunsong, Aliaga, na nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha na naglagos sa kanyang tenga mula sa hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni PO1 Edd John Miranda, dakong 12:00 ng hatinggabi nang pumasok sa compound ang suspek, kumatok bahay ni Guillerto at nang pagbuksan ng huli ay binaril sa mukha, na nasaksihan ng live-in partner ng biktima na si Phoebe Ann Torendon y Mercano, 29 anyos.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!