NANUMPA na si Cesar Montano sa harap ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo bilang chairman of Tourism Promotions Board.

Aliw lang dahil sa isang interview, sinabi ni DoT Sec. Wanda Teo na hindi siya pabor na umupo ang aktor sa nasabing posisyon, pero sa kanya naman pala ito manunumpa.

Sa isang interview, nabanggit ni Cesar na in-appoint siya ni Pres. Duterte sa posisyon niya ngayon dahil baka nakita nitong kaya niya ang trabaho at may maitutulong siya to sell and promote the Philippines.

Sa mga litratong nakita namin sa panunumpa ni Cesar, hindi niya kasama ang mga anak kay Sunshine Cruz. Sa ibang oathtaking, laging kumpleto ang pamilya na malabong mangyari kay Cesar dahil hiwalay na sila ni Sunshine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sana kahit ang eldest daughter man lang niya ay present o baka naman, kasama niya pero hindi pa ipino-post ang picture. (Nitz Miralles)