TARLAC CITY – Patay ang isang tricycle driver at lubhang nasugatan ang apat na iba pa sa karambola ng dalawang tricycle at isang pampasaherong jeepney sa highway ng Barangay Paraiso sa Tarlac City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Aldrin Dayag ang nasawi na si Ericson Maniti, 37, may asawa, empleyado at driver ng tricycle (RO-1344) sa Bgy. Lourdes, Tarlac City.

Grabe namang nasugatan sina Lea Maniti, 32; Lex Vinson, 12; Queenie Maniti, tatlong buwan; at Erlinda Maniti, 57, pawang taga-Bgy. Lourdes, na pawang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital.

Sangkot din sa karambola ang Isuzu jeepney (CET-239) na minamaneho ni Rommel Pallasigue, 30, may asawa, ng Bgy. Murcia, Concepcion; at isa pang tricycle na hindi pa nakikilala ang driver.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dakong 8:00 ng umaga at patungong hilaga ang tricycle ni Ericson kasabayan ang isa pang tricycle nang biglang okupahan ni Ericson ang gitna ng lane, kasunod ang isa pang tricycle na pumakabilang lane hanggang makasalpukan nila ang jeep. (Leandro Alborote)