SYDNEY (AFP) – Napigilan ang sana’y planong pag-atake sa Araw ng Pasko ng mga militanteng Islamic State sa central Melbourne kasunod ng mga serye ng pag-aaresto sa buong lungsod, sinabi ng pulisya kahapon.

Ayon kay Victoria Police chief commissioner Graham Ashton, binabalak ng mga idinetine na gumamit ng mga pampasabog, patalim at baril para umatake sa mga abalang lugar sa sentro ng lungsod kabilang na ang Flinders Street train station, Federation Square at St Paul’s Cathedral.

“Over the last fortnight... we have had to conduct a criminal investigation relating to the formation of what we believe was a terrorist plot,” aniya sa news conference. “We believe that there was an intention to conduct what we call a multi-mode attack, possibly on Christmas Day.”

Mahigit 400 pulis na armado ng matatas na kalibre ng baril ang nagsagawa ng mga pagsalakay nitong Biyernes ng umaga.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Pito ang naaresto, ngunit pinakawalan ang dalawa.

Ayon kay Ashton, apat sa mga suspek ay may lahing Lebanese at sa Australia na ipinanganak, ang ikalima ay Egyptian na naging Australian citizen, lahat ay nasa edad 20 pataas.