Para sa Christmas season, bubuksan na sa publiko ang Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX)-Christmas Lane ngayong Miyerkules, para sa biyaheng Diosdado Macapagal Boulevard hanggang Terminal 3 at Skyway.

Sinabi kahapon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na ito ay karugtong ng unang bahagi ng proyekto na nag-uugnay sa Macapagal at Pagcor Entertainment City sa Pasay City sa NAIA Terminals 1 at 2 sa Parañaque City.

Inaasahang maiibsan ng NAIAX ang trapiko sa lugar at mababawasan ng 40 porsiyento ang oras ng biyahe, ayon kay Villar.

Sinabi ni Villar na inaasahang makukumpleto ang full access sa NAIA Expressway, kabilang ang Runway Manila, sa unang quarter ng 2017. (Martin A. Sadongdong)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget