Dalawang tama ng bala sa katawan ang ikinamatay ng isang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Naghahanda na patungong palengke si Hector Borja, 47, meat dealer, at residente ng 06 San Jose corner Lacson Street, Tondo, Maynila, nang hintuan at pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Roderick Magpale, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Lacson Avenue, kanto ng Simoun St., Tondo.

Nakatayo umano ang biktima sa naturang lugar nang hintuan ng mga suspek at makailang beses pinaputukan, bago humarurot palayo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Mary Ann Santiago)