NORZAGARAY, Bulacan – Upang mapanatiling nasa safe level ang tubig sa Angat Dam, nagpakawala ng tubig rito ang National Power Corporation (Napocor) kahapon ng umaga.

Binuksan ng dam ang spillway gate nito sa 0.5 metro dakong 8:00 ng umaga kahapon at nagpakawala ng tubig na aabot sa 68 cubic meter kada segundo.

Nagpakawala ng tubig makaraang umabot sa spilling level ang tubig sa Angat reservoir dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan na bunsod ng amihan na nakaaapekto sa Northern at Central Luzon.

Sa ngayon, ang tubig sa Angat ay nasa 213.90 meters above sea level (masl). Ang normal na mataas na water level nito ay 212 masl.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inabisuhan at inalerto na ng Napocor ang mga maaapektuhang residente at lokal na pamahalaan kaugnay ng pagpapakawala ng tubig sa dam.

Tiniyak naman ni Napocor-Flood Operation Manager Teresa Serra na hindi magdudulot ng baha ang pagpapakawala ng tubig mula sa dam.

“It will have minimal effect on Matictic River in this town and no effect at all in other rivers,” sabi ni Serra. (Freddie C. Velez)