SUBSOB na ang pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento at athletes profiles para masiguro ang tagumpay ng gaganaping Palarong Pambansa sa susunod na bakasyon, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Undersecretary Alberto Muyot, ang taunang kumpetisyon sa larangan ng palakasan ay gaganapin sa Abril 23-27 sa Antique.

Aniya, layunin ng naturang taunang multi-sporting event para sa mga student-athletes, na palakasin at hubugin ang mga kabataang sa larangan ng palakasan na kanilang pinili upang maging ‘competitive’ sa mas mataas na level ng kompetisyon.

Nabatid na bumuo na ng steering committee ang DepEd na magiging katuwang ng mga lokal na opisyal ng Antique, na kinabibilangan nina DepEd Undersecretary Alain Del Pascua, at Assistant Secretary Tonisito Umali.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nais aniyang matiyak ng DepEd sa kanilang maagang preparasyon sa Palarong Pambansa ang kaligtasan ng lahat ng kalahok.

Tiniyak rin nito na ang lugar ng Palaro ay sumailalim sa pagsusuri at sumunod sa international standard na may kumpletong pasilidad, dalawang buwan bago ito isagawa. (Mary Ann Santiago)