TARLAC CITY - Natigmak ng dugo ang kalsada sa Luisita Industrial Park (LIP) sa Barangay Balete sa lungsod na ito makaraang magkarambola ang tatlong motorsiklo at isang truck, na ikinasawi ng isang tricycle driver at ikinasugat ng limang iba pa, nitong Huwebes ng gabi.

Nasawi si Ronnie Wahe, 28, may asawa, driver ng tricycle (OI-1857), at taga-Barangay Sapang Tagalog, Tarlac City, habang grabe namang nasugatan sina Pedro Lacap, 46, may asawa, driver ng tricycle, ng Bgy. Atioc, Tarlac City; Jerry Lopez, driver ng Suzuki motorcycle (MU-9395), ng Bgy. Talaga, Capas; at ang hindi pa nakikilalang driver ng truck (DTB-744). (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog