BIBIGYANG buhay ni Yves Flores ang buhay ni Ramon Santos, ang tinaguriang ‘Carnival King’ ng bansa, ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Bata pa lang si Ramon ay mahilig na siya sa roller coasters at iba pang rides sa theme parks. Madalas ay sa imahinasyon lang niya nasasakyan ang rides sa peryahan sa kanilang bayan dala ng kakulangan nila sa pera.

Lilipas ang panahon at dadalhin siya ng kanyang pag-aaral sa Maynila at matatanggap siya bilang manggagawa sa isang tanyag na amusement park.

Magtatrabaho si Ramon ng maigi at unti-unting aangat sa buhay hanggang isang araw ay naitayo niya, sa tulong ng kanyang asawang si Annie (Loisa Andalio), ang pagawaan ng amusement rides.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa puntong iyon ng kanyang buhay ay tila wala nang mahihiling pa si Ramon. Ngunit muli siyang susubukin ng tadhana hindi lang sa kanyang negosyo kundi pati rin sa kanyang pamilya.

Paano nalagpasan ni Ramon ang mga dagok sa kanyang mala-rollercoster na buhay?

Makakasama nina Yves at Loisa sa episode ng MMK ngayong gabi sina Mickey Ferriols, Allan Paule, Tanya Gomez, Nanding Josef, Marites Joaquin, JB Agustin, John Bermundo, Heaven Paralejo at Jane de Leon, mula sa panulat nina Arah Badayos at Mark Duene at sa direksiyon ni Dado Lumibao. Ang MMK ay prodyus ng Star Creatives unit na pinamumunuan ni Malou Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.pho skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.-