WALANG mararating ang kampanya ng Meralco Bolts kung magpapatuloy ang palyadong free throw shooting.
Naitala ng Bolts ang nakadidismayang 5-of-16 sa free throw tungo sa 79-81 kabiguan sa Alaska Aces nitong Miyerkules, dahilan upang ituon ni coach Norman Black ang ensayo ng koponan sa free throw.
Banderang-kapos ang Bolts na abante sa siyam na puntos, 77-68, sa huling 2:43 ng laro.

Nakabawi ang Aces sa matinding 13-2 blast, ngunit ang masakit hindi makapuntos ang Bolts maging sa foul line.
Taliwas ito sa impresibong tirada ng Aces, kabilang ang krusyal na free throw ni Chris Banchero na nagkumpleto sa come-from-behind win ng Alaska.
“To shoot 5-of-16 is not very professional, at least in the PBA level. It’s probably what cost us the game last Wednesday,” pahayag ni Black.
“We just have to get in the gym and make those foul shots. We’re number two in the league in free throw shooting so I didn’t expect us to shoot 30 percent,” aniya.
Bunsod ng kabiguan, laglag ang Meralco sa 2-2 karta.
“Tough loss. If you’re up by nine less than four minutes to go, you should win the basketball game, but we missed a lot of foul shots tonight and didn’t make the plays when we needed it,” ayon kay Black.
“Alaska made their free throw shots, so we just got to go back in practice and get better.” (Marivic Awitan)