SINGAPORE – Inaasahang tatalakayin ng Pilipinas at Singapore ay pagpapasigla sa two-way trade at pamumuhunan sa dalawang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo R. Duterte rito.

Nakatakdang dumating si Duterte rito ngayong Huwebes, Disyembre 15, at makikipagpulong kina President Tony Tan Keng Yam, Prime Minister Lee Hsien Loong, at sa mga negosyanteng Singaporean.

Sa press briefing, sinabi ng Philippine Ambassador to Singapore na si Antonio Morales na malawak ang mga isyu at paksang pag-uusapan, kabilang sa mga ito ang “economic relations between our two countries in the face of global uncertainties and prospects for further cooperation.”

Inilarawan niya na “very important” ang mga pakikipagpulong dito ni Duterte, at binigyang-diin na ang dalawang bansa ay “close partners,” ngayong ang Singapore ang ating ikaapat na pinakamalaking trading partner at isa rin sa pinakamalalaking investors sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Singapore ay tahanan din ng 180,000 Pilipino na nagpapadala ng mahigit $1 billion remittances kada taon sa Pilipinas. (Elena L. Aben)