TARLAC CITY - Pansamantalang nakadetine ang driver ng isang pampasaherong jeepney matapos niya umanong molestiyahin ang babaeng Grade 10 student na pasahero niya, sa Barangay San Miguel, Tarlac City, nitong Lunes ng umaga.

Ipinagharap ng reklamo ng 17-anyos na biktima sa Police Community Precinct-4 si Edwin Garcia, 39, ng Sitio Pangulo, Bgy. Carangian, Tarlac City.

Ayon sa report, dakong 8:30 ng umaga nang sumakay ang estudyante sa jeep ni Garcia at pinalipat umano siya ng driver sa tabi nito.

Nang bababa na ang biktima ay hindi niya mabuksan ang pintuan ng jeep, na sinamantala umano ni Garcia at pinaghahawakan sa kamay, dibdib at hita ang dalagita. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match