Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi magtatagumpay ang anumang pagtatangkang patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte.

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City, kahapon, sinabi ni Dela Rosa na hinding-hindi makakaporma ang sinumang magtatangkang maglunsad ng destabilization laban sa Presidente habang siya ang hepe ng PNP.

Kinumpirma niya na nakarating sa kanya ang mga ulat tungkol sa pagpaplano umano ng ilang miyembro ng Magdalo Group na kumilos laban sa gobyerno.

“Try me, over my dead body,” hamon ni Dela Rosa sa grupo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala namang naririning na anumang impormasyon si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Año tungkol sa tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte, at sinabing “rumors lang ‘yan”. - Francis T. Wakefield