LA PAZ, Bolivia (AP) – Nagsalita na ang isang Bolivian official na tumanggi sa flight plan ng bumulusok na eroplano sa Andes, at inakusahan niya ang kanyang mga amo ng cover-up.

Sa isang public letter, sinabi ni Celia Castedo na wala siyang awtoridad na pigilin ang doomed flight patungong Medellin, Colombia, na ikinamatay ng 71 katao kabilang na ang halos isang buong Brazilian soccer team na patungo sa finals ng Copa Sudamericana tournament.

Sinabi ni Castedo na isang araw bago ang crash ay ginipit siya ng mga nakatataas sa kanya na baguhin ang kanyang internal report na aniya ay nagbabala sa airline na walang sapat na gasolina ang eroplano para ligtas na makalipad.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa