DeAndre Jordan

Knicks, semplang sa Cavs; Warriors streak patuloy.

LOS ANGELES (AP) – Malamya ang outside shooting ng Warriors ‘Big 3’ – Kevin Durant, Steph Curry at Klay Thompson – ngunit nagawa pa ring manalo ng Golden State sa impresibong 115-98 kontra Los Angeles Clippers nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa pamosong Staples Center.

Nagmintis ang Warriors top three scorer sa pinagsamang 31-of- 51 field goal kung saan naitala ni Durant ang 5-of-17, habang malamya rin ang outside shooting nina Curry at Thompson. Sa kabila nito, nagawang makaabante ng Warriors sa mahigit 20 puntos tungo sa isa pang dominanteng panalo – ikatlong sunod ng Warriors at ika-19 sa 22 laro.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nahila ng Warriors ang 15-13 bentahe sa kalagitnan ng first period sa 20 puntos na abante mula sa 22-3 blitz sa halftime.

Bumawi si Curry, umiskor ng 19 puntos, sa depensa kung saan naitala niya ang career-high na pitong steal at anim na assist.

Matapos umiskor ng caree-high 60 puntos laban sa Indiana Pacers, kumana si Thompson ng 24 puntos mula sa 8-of-18, habang tumipa si Draymond Green ng 22 puntos. Nag-ambag si Durant ng 16 puntos.

CAVS 126, KNICKS 94

Naitala ng defending champion Cleveland Cavaliers ang bagong back-to-back win nang pabagsakin ang New York Knicks.

Hataw ang Cleveland ‘Big Three’ sa pinagsamang 74 puntos para sa ikalawang sunod na panalo matapos magtamo ng tatlong kabit na kabiguan.

Ratsada si Kyrie Irving sa naiskor na 28 puntos, tampok ang apat sa 22 three-pointer ng Cavaliers.

Kumubra si LeBron James ng 25 puntos at pitong assist para sa ika-15 panalo sa 20 laro. Nag-ambag si Kevin Love ng 23 puntos, kabilang ang apat na three-pointer.

Umiskor din ng double digit si Iman Shumpert sa Cavs sa natipang 14 puntos.

Nalimitahan si Carmelo Anthony saw along puntos, habang hindi nakalaro ang may injury na si Derrick Rose.

ROCKETS 134, LAKERS 95

Sa Houston, sumambulat ang outside shooting ni Eric Gordon para sandigan ang Rockets sa pagpulbos sa Los Angeles Lakers.

Naisalpak ni Gordon ang career-high na walong three-pointer para sa kabuuang 26 puntos, habang nagsalansan si James Harden ng 25 puntos para sa Houston.

Nanguna si Lou Williams sa Lakers sa naiskor na 24 puntos, habang kumana si Julius Randle ng 21 puntos at 11 rebound.

Samantala, pinalawig ng Sacramento Kings ang losing skid ng Dallas Mavericks sa dominanteng 120-89 panalo.