SANAA, Yemen (AP) – May 60 mamamayan ang pinangangambahang nalunod sa Arabian Sea, matapos ilang araw nang nawawala ang kanilang bangka.

Sa isang pahayag, sinabi ng gobyerno ng Yemen noong Martes na naglaho ang bangka may 40 kilometro mula sa isla ng Socotra limang araw na ang nakalipas. Patungo ito sa katimugang probinsiya ng Hadramawt, sakay ang karamihan ay kababaihan at mga bata.

Sa isang pahayag, sinabi ng Hadramawt governor Ahmed ben-Break na dalawa ang nasagip at nagpapatuloy ang paghahanap.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa