CABANATUAN CITY – Dalawang kilabot umanong drug pusher ang nalambat ng pulisya sa buy-bust operation nitong Linggo.

Unang nasakote ng anti-illegal drugs team si Herman Flores, alyas “Iman”, 24, tubong Sampaloc, Maynila at residente ng Barangay San Nicolas, Gapan City, at nakumpiskahan ng ilang plastic sachet ng hinihinalang at marked money.

Dinampot din si Pablo Acosta y Gaudia, 42, ng Bgy. Casongsong, Guimba, matapos magbenta sa poseur buyer na si PO1 Ryan David, at makuhanan pa ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match