PUERTO PRINCESA CITY – Muling napabilang sa listahan ng mga kampeon sina Ardin “The Jackal” Diale at Jilbert Gomera.

Naitala ni Diale, dating Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) flyweight champion, ang kombinsidong unanimous decision win kontra WBC Eurasia Pacific Boxing Council light flyweight champion Michael “Blade” Enriquez para masungkit ang bakanteng WBC International super flyweight title nitong Sabado sa Puerto Princesa City Coliseum.

Kapwa nagantayan ng tyempo ang magkaribal bago kumawala ang matitinding bigwas ni Diale sa ikatlong round para kunin ang tempo ng laban tungo sa dominanteng panalo.

Agaw pansin naman ang maaksiyong duwelo nina Jilbert Gomera and Edward Mansito sa supporting bout kung saan kapwa duguan ang magkaribal sa pagtatapos ng laban na nauwi sa desisyon pabor kay Gomera.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ipinagkaloob nina Puerto Princesa Vice Mayor Luis Marcaida at GAB Chairman Abraham Khalil “Baham” Mitra ang golden belt kay Gomera.

Tinaguriang “Bakbakan sa Palawan”, ang programa ay nasa pangangasiwa ng United Boxing International Promotions ni Ryuta Kato at suportado ni City Mayor Lucilo Bayron, Max’s Fried Chicken at GAB.