MARAMING pulis ang nabigla sa naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na sa kanya nanggaling ang pakiusap sa kumander ng Philippine National Police (PNP) na huwag sibakin at sa halip ay ibalik sa dati niyang tungkulin si Supt. Marvin Marcos bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 matapos siyang mapangalanang tumatanggap ng drug money.

Ang utos na ito ay ipinadaan ni PRRD kay special assistant Christopher “Bong” Go na siya namang nagsabi kay Chief PNP Ronald “Bato” dela Rosa.

Para kasi sa mga pulis na kilala raw ang buong pagkatao ni Supt. Marcos, parang lumilitaw daw tuloy na kulang kundi man “sanitized” na ang “dossier” ni PRRD pati na rin ni CPNP Bato, ng listahan ng mga opisyal ng PNP na nakabaon sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, bilang protektor ng mga drug lord at pusher.

Si Supt. Marcos ay isa lang daw sa mga opisyal ng PNP na matapos managana sa katas ng droga ay malalakas pa ang loob na magtumba ng mga drug lord at pusher na gatasan nila, para hindi sila mapangalanan at magamit pa nila ang pagkakapatay sa mga ito sa kanilang promotion at pagkuha ng magandang assignment.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa kasalukuyang administrasyon, lumilitaw na ang isa sa pangunahing requirement para ma-promote at makakuha ng bagong puwesto sa ngayon ay maka-score ng maraming naitumbang drug lord at pusher. Grabe, ang linis talaga nilang magtrabaho. Pati si PRRD at CPNP Bato ay kayang-kaya nilang bulagin at paikutin!

Isa sa mga kakuwentuhan kong mga pulis ang nagdetalye ng kanyang nalalaman kay Supt. Marcos—matagal din daw itong naging hepe ng Manila Police Department (MPD) Station 9 sa Ermita at naging tauhan niya ang ilang 1st at 2nd generation ng grupong POLICE NINJA na sumikat at yumaman sa pagre-recycle o muling pagbebenta sa merkado ng mga nakumpiska nilang ilegal na droga. Makailang beses na rin siyang nakasuhan ngunit parating nakalulusot sa asunto at nakakakuha pa ulit ng magandang puwesto, gaya nang pagkakaupo niya bilang hepe ng CIDG... Region 8, kasama pa ang buong team niya, gayung “outsider” sila sa CIDG, ang premier investigating arm ng PNP.

Ito ngayon ang tanong ko sa aking sarili: paano nakalulusot kay PRRD ang ganitong mga may sabit na pulis, gayung napapaligiran siya ng mga alam kong dating matitinik na intel, operatiba at opisyal ng PNP na marubdob na tumulong sa kanya noong panahon ng kampanya at karamihan pa nga sa kanila ay nakapuwesto na ngayon sa mga gobyerno?

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)