Pinalawig ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang biyahe ng mga tren nito simula kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ng LRMC, extended ang biyahe ng tren ng Light Rail Transit (LRT) mula 5:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi epektibo kahapon, Disyembre 3, at magtatagal hanggang Disyembre 23.

Mula sa Baclaran Station, kada sampung minuto ang dating ng tren simula 9:30 ng gabi, at kada 15 minuto naman ang dating ng tren ng 10:00 ng gabi.

Sa Roosevelt Station naman, darating ang tren sa gabi ng 10:00, 10:10, 10:20, 10:30, 10:45 at 11:00.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Layunin nitong maisakay ang mas maraming pasahero na ginagabi lalo na ngayong Christmas rush.

Samantala tiniyak ni Metro Rail Transit (MRT) Officer-in-Charge, General Manager Deo Manalo na sapat ang tren na bumibiyahe ngayong holiday season dahil 22 tren na ang bumibiyahe para sa MRT-3 kada araw mula sa dating 13 lang.

Sa ngayon, 20 tren ang bumibiyahe dahil ito pa lang ang kaya ng kasalukuyang power supply ng MRT, at magsisilbing reserba naman ang dalawang tren kung sakaling magkaaberya. (Bella Gamotea)