NASUNGKIT ng Centro Escolar University ang unang final slot, habang nahila ng Olivarez College ang serye kontra Technological Institute of the Philippines sa âsudden deathâ sa semifinal duel nitong Huwebes sa Universities and Colleges Basketball League.
Hataw si JK Casiño sa naiskor na 31 puntos para sandigan ang top seeded Scorpions sa dominanteng 99-57 panalo kontra No.4 Colegio de San Lorenzo sa Olivarez Sports Center sa Paranaque.
Nakahirit naman ang third-ranked Sea Lions kontra sa No.2 Engineers, 70-53.
Muling magtutuos ang Olivarez at TIP sa do-or-die match sa Sabado.
Tulad nang inaasahan, naging madali sa CEU ang pagwalis sa karibal sa pamamagitan ng maagang 30-11 bentahe sa first period.
Nabigo man na mawalis ang elimination matapos mabigo sa Sea Lions, 63-65, nanatiling matatag at kumpiyansa ang Scorpions.
Nag-ambag sina Ric Fuentes sa naiskor na 13 puntos, habang kumubra sina Jason Opiso at Rodrigue Ebondo ng tig-12 puntos.
Nanguna sa Sea Lions si Albert Rabe na may 16 puntos, 11 rebound, apat na assist at dalawang steal, at tumipa sina Lawrence Udoba at Pruvil Bermudez ng 12 t 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.