ANG suwerte ni Barbie Forteza, may bagong primetime show na, may bagong kotse, at kasama pa sa Walk of Fame 2016 inductee.

Tuwang-tuwa si Barbie sa pagkakasama sa Walk of Fame at paulit-ulit ang “Maraming salamat po!” nito sa Board of Directors na nagsali sa kanya. May karapatan ang young actress na mapasali sa Walk of Fame at ang trabaho niya sa telebisyon at pelikula ang magpapatunay nito.

Hindi kami sigurado kung late birthday gift o early Christmas gift ang bago niyang Toyota Fortuner. Katas ito ng kanyang pagpupuyat at sipag sa trabaho at magagamit sa taping ng rom-com series niyang Meant To Be at pagpasok sa school sa University of Perpetual Help System sa Biñan, Laguna.

Kumpirmadong apat ang leading men ni Barbie sa Meant To Be, pero mukhang kay Ivan Dorschner siya mas kinikilig. Hindi siya makatingin kay Ivan sa pictorial at nag-dialogue pa ng, “’Wag kang ganyan, marupok ako.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang iba pang kapareha ni Barbie ay sina Ken Chan, Addy Raj at Jak Roberto. Sa direction ni LA Madridejos, sa January 9, 2017 ang pilot ng rom-com series na papalit sa Someone To Watch Over Me. (Nitz Miralles)