Kabuuang 102 matitinding sultada ang nakalinya ngayon sa Ynares Sports Arena para sa 16th Leg 6-Stag Derby ng matagumpay na 2016 UFCC Stagwars.

Liyamado si Edwin Tose at ang entry niyang Nicole Diane matapos na magsolo champion sa 15th Leg noong Sabado doon din sa Ynares Sports Arena nang magtala ito ng 6 na panalo at walang talo. Ang ATY Duhatan ni Alex Ty naman ang pumangalawa.

Nagtapos naman ng may tag-apat na puntos sina RJ Mea (DMM RJM Tiaong), Joey delos Santos (San Roque) at Eric dela Rosa (New Polomok Sports Arena).

Sa bihirang pagkakataon ay mayroong apat na entry ang umiskor ng tig-3 panalo at isang tabla: Gerry Teves (Geery Boy Dec 22 7-Cock Biñan), Gov. Ito Ynares (Binangonan), Engr. Celso Salazar (Tiger Shark) at Aurelio Yee (Mergie)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isasara ang matinding bakbakan na ito ng UFCC sa gaganapin na 7-stag derby sa Lucky Sports Complex sa ika-8 ng Disyembre na pangungunahan ng magkapatid na Joey at Buboy delos Santos bilang mga hosts ng mga pinakapipitagang miyembro ng UFCC.