ashton-at-mila-copy

ISINILANG na ang pangalawang anak nina Mila Kunis at Ashton Kutcher.

Kinumpirma sa People ng kinatawan ng mag-asawa at dating magkabituin sa That ’70 Show ang pagsilang ng kanilang anak na lalaki.

Ipinanganak ang sanggol noong Nobyembre 30, Miyerkules at magiging kapatid ng kanyang ate na si Wyatt Isabelle, 2-anyos.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ekslusibong kinumpirma ang balita ng ikalawang pagbubuntis ni Kunis, 33, ng kinatawan nila ni Kutcher, 38-anyos, sa People noong Hunyo.

At noong Oktubre, inihayag na rin ito ni Kutcher.

“She points to Mila and she’s like, ‘Baby brother!’ when she points to the belly,” saad ng bida sa The Ranch ng Netflix sa Today show kung paano naghahandang maging ate ang kanilang panganay na si Wyatt.

Ngunit hindi ikinaila ni Kutcher kay Seth Meyers na lihim siyang umaasa na magiging babae uli ang kanyang pangalawang anak dahil nais niya ng malaking pamilya.

“First of all — our first girl is unbelievable. But also I figured if we had a girl second, (Mila) might give me one more shot at having a boy and now I don’t know!” sabi niya sa Late Night with Seth Meyers noong Oktubre. “It’s even money — she might cut me off!”

“The one topic of conversation we had even prior to ever having kids was always, ‘How do you raise a child to not be an assh—?’ ” ani Kunis noong Agosta, at nagbiro na, “It’s a matter of teaching them from a very early age that, you know, ‘Mommy and Daddy may have a dollar, but you’re poor.’” (People.com)