CAMP G. NAKAR, Lucena City – Arestado ang isang barangay kagawad at limang kasamahan niya makaraan silang maaktuhan sa umano’y pagbebenta ng shabu nitong Miyerkules sa lungsod na ito, ayon kay Quezon Police Provincial Office Director Senior Supt. Rhoderick C. Armamento.

Kinilala ni Senior Supt. Armamento ang mga nadakip na sina Alberto P. Dolor, 54, kagawad ng Barangay Mangilag Sur; Sheena Shen Pineda Arguelles, alyas “Chin Chin”, 21; Mike Aguilar Rivera, 20; Jayson Calabon Rivera, 20; Leonardo P. Dolor, 46; at Ricardo Dolor Arguelles, alyas “Boyet Arguelles”, pawang residente sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu, marked money at drug paraphernalia. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito