Pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda na nawala habang nangingisda sa Scarborough Shoal sa pinag-aagawang South China Sea.
Ayon sa PCG, nagtungo sa Scarborough Shoal, kilala ring Panatag Shoal o Bajo de Masinloc, ang mga mangingisda ngunit hindi pa nakakabalik mahigit isang linggo na ang nakalipas.
Lulan sa F/Bca “Antalan Tabat”, naglayag ang mga mangingisda patungong Scarborough nitong Nobyembre 21, ayon sa PCG.
Kinilala ng PCG ang mga nawawalang mangingisda na sina Jack Tabat, 44; Jimmy Tabat, 44; Jessie Aparreci, 29; Bimbo Requinto, 21; at Allan Rivera, 19, pawang taga-Riverside Lipay sa Sta Cruz, Zambales. (Raymund F. Antonio)