Ni NORA CALDERON

Marian Rivera
Marian Rivera
EMOSYONAL si Marian Rivera nang magpasalamat pagkatapos igawad sa kanya ng Mother & Child Nurses Association of the Philippines ang Breastfeeding Influencer and Advocate Award.

Marian has been purely breastfeeding her daughter Maria Letizia sa loob ng mahigit nang isang taon simula nang isilang ang anak nila ni Dingdong Dantes noong November 23, 2015.

“Ito na po siguro ang maituturing kong pinakamahalagang award na natanggap ko,” nangingilid ang mga luhang pagpapasalamat ni Marian.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Ipinangako ko po noon sa anak ko at sa asawa kong si Dingdong, na ibi-breastfeed ko ang anak namin. Totoo pong mahirap sa simula pero iyong malaman mong binibigyan mo ng buhay ang anak mo, iba pong pakiramdam iyon. Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko sa inyo sa award na ipinagkaloob ninyo sa akin.”

Kahit nang bumalik sa pagtatrabaho, hindi lumiliban si Marian sa pagbibigay ng kanyang gatas kay Baby Zia.

Nagpa-pump siya nito at itinatago sa refrigerator kapag wala siya sa bahay. Kahit nang pumunta silang mag-asawa ng ibang bansa, hindi sila pumayag na hindi nila kasama si Zia. Makikita siya na kahit naglalakad sila ni Dingdong sa kalye, may nakatakip lamang na lampin sa kanyang dibdib habang dumidede si Zia sa kanya.

Sinamahan si Marian ng kanyang very supportive supportive husband nang tanggapin niya ang award.  Ang ganda-ganda ni Marian sa suot niyang bagong lilac dress na muling ginawa para sa kanya ng Portuguese haute coutour na si Joao Rolo who in turn ay nagpasalamat sa kanya sa pagtangkilik niya sa creations nito.