Ni JIMI ESCALA

Julia Montes
Julia Montes
UMULAN ang biyaya kay Julia Montes ngayong taon, sabi mismo niya, kaya hindi niya makakalimutan ang 2016. Sa taong ito rin siya nagkaroon ng malaking desisyon para sa career niya, ang paglipat niya sa ibang talent management agency.

“Kailangan din naman natin kung minsan na magkaroon tayo ng tinatawag nating ‘next step’ at sa palagay ko, eh, ‘yun lang ang ginawa ko and masaya ako sa kung ano ‘yung mga nangyayari sa akin and super blessed din naman ako sa mga tao na nasa paligid ko,” sabi ni Julie.

Pero nilinaw ng young actress, kahit lumipat siya sa Cornerstone Management ay hindi niya pinutol ang anumang kaugnayan niya sa Star Magic. Nananatili raw ang magandang relasyon niya sa Star Magic.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi ko p’wedeng kalimutan na kung ano man ang meron ako ngayon, eh, dahil ‘yun sa mga taong nakasama ko, nag-guide sa akin at tumulong sa akin from the very start. So walang nagbago doon, it’s just kailangan na may move na kailangang gawin,” kuwento ni Julia.

Itinuturing ding napakalaking blessing ni Julia ang patuloy na pamamayagpag sa ratings chart ng kanyang pinagbibidahang seryeng Doble Kara. Aniya, higit pang magugustuhan ng televiewers ang mga susunod na episode ng serye.

“Marami pa silang aabangan sa amin. Kahit kami, eh, nagugulat, kasi ‘pag dumarating na ‘yung script sa amin, eh, hindi namin inaasahan na may mangyayari. Kaya nga masayang-masaya kaming lahat dahil buhay na namin ang Doble Kara for one year,” sey pa ni Julia.