untitled-1-copy

Azkals, naungusan ng Thais; laglag sa Suzuki Cup Final Four.

Sapat sa suporta, ngunit kulang sa suwerte ang Philippine Azkals.

Humulagpos sa matatalim na pangil ng Azkals ang pagkakataong makausad sa semifinals ng Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup nang maungusan ng perennial contender Thailand, 1-0, Biyernes ng gabi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umayon sa panawagan ng Azkals ang sambayanan nang dumagsa ang mahigit 3,000 tagahanga sa Philippine Sports Stadium sa Bocaue, Bulacan, subalit hindi ito sapat para kasiyahan ng suwerte ang Philippine football team laban sa Team B ng Thailand national team.

Matikas na nakihamok ang Azkals, binubuo nang mga bata at foreign-bred footballer, subalit nagawang makasingit ng Thailand sa krusyal na sandali para kunin ang panalo at dugtungan ang panlulumo nang sambayanan.

Sa nakalipas na taon, bigo ang Azkals na makapagbigay nang ispesyal na sandali sa sports-loving Filipino.

Naselyuhan ang kabiguan ng Filipino booters nang magwagi ang Indonesia, 2-1, laban sa Singapore sa hiwalay na laro sa Rizal Memorial football field sa Manila.

Nagtabla ang Azkals at Indonesia, 2-2, habang nauwi rin sa scoreless draw ang laro ng Pinoy sa Singaporea.

Nasibak ang Azkals sa torneo sa kauna-unahang pagkakataon na walang naitalang panalo. Naputol din ang four-year streak ng Pinoy sa Suzuki Cup Final Four.

“We could’ve won the game in the first half,” pahayag ni Azkals coach Thomas Dooley.

“Today we had chances, but we couldn’t score. (Thailand) is a country we need look up to. They’re a great football nation. The second team they had was still a pretty good team,” aniya.

Naisalpak ni Sarawat Masuk ang winning goal nang makalusot sa depensa ng Azkals, hanggang sa harapan ni goalkeeper Roland Muller may siyam na minuto ang nalalabi sa laro.

May tsansa pang makatabla ang Azkals kung natapos din sa draw ang laro ng Indonesia at Singapore.

“We showed you our players can play,” sambit ni Thailand coach Kiatisuk Senamuang.

“We wanted to show how professional we are. we wanted to (take advantage of the) Fifa ranking and show we’re the (real) number one team in Asean.”