BANI, Pangasinan - May ilang insidente na nagkakaroon ng problema sa pag-iisip ang ilang sundalo matapos magretiro.

Ito ang posibilidad sa kaso ni Avelino Navor, 54, retirado sa Philippine Army, na napansin na ng asawang si Lucita Navor ang mga kakaibang ikinikilos bago natagpuang nakabigti sa isang puno sa Barangay Dacap Sur sa Bani.

Ayon kay Lucita, ilang beses nang pinagtangkaan ni Avelino ang sariling buhay, bagamat napipigilan siyang lagi ng ginang.

Hanggang natagpuan nitong Huwebes si Avelino na nakabigti sa puno may ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

(Liezle Basa Iñigo)