Iniulat ng World Health Organization (WHO) na pang-walo ang Pilipinas sa mundo sa mga bansang may pinakamaraming preterm o premature births.
Sa idinaos na National Summit on Prematurity and Low Birth Weight ng WHO at ng Department of Health (DoH) kahapon, sinabi ng WHO-Philippines na 350,000 sanggol sa bansa ang isinisilang na premature kada taon at sa Southeast Asia, ang Pilipinas rin ang may pinakamataas na porsiyento ng live births na may mababang timbang.
Ikinalungkot ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang aniya’y nakakaalarmang ulat. Tiniyak niya na gumagawa sila ng mga hakbang para masolusyunan ang problemang ito. - Mary Ann Santiago