Nagpatupad si Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada ng bagong sistema ng pagpapasuweldo sa mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang mabura ang mga ghost traffic enforcers.

Inatasan ni Estrada si MTPB chief Dennis Alcoreza na alisin ang ghost employees, kasama na ang mga totoong empleyado ngunit laging absent at pumapasok lamang tuwing araw ng suweldo.

Sinabi ni Alcoreza na kung dati ay ibinibigay nang cash ang suweldo ng MTPB, ngayon ay tseke na ito.

“Unlike before na cash ang binibigay sa kanila, na madaling manipulate. Ngayon tseke ang ibibigay sa mga JO (Job Order). So for them to get the check kailangan ng identification sa bangko. Ano ang mga kailangan mong identification? Kailangan ng TIN, PAG-IBIG. So ‘yun ‘yun, they are requiring na meron ang mga ‘yun bago i -process ang suweldo nila,” paliwanag ni Alcoreza. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji